Linggo, Oktubre 8, 2017

     Mahal ko aking mga kaibigan❤

Noong panahon hindi mo sila kasundo
Pero sila ngayo'y iyong kasundo
Mga kaibigan na laging nang aasar
Pero sila ay mapagmahal
Mga kaibigan na laging nangiiwan 
Pero sa problema'y silay maasahan
Mga kaibigan na laging nagpapalibre
Ngunit sila'y nariyan sa panahon ng kagipitan
Mga kaibigan na ika'y babatukan
Upang ikay matauhan
Mga kaibigan na ikaw ay tatawanan
Pag ika'y may nagawang mali
Pero tanging sila lang ang iyong kakampi
Mga kaibigan na ibubuking ka nila sa taong mahal mo
Ngunit iyo namang gusto
Mga kaibigan ni ika'y papalakpakan
Sa ika'y may kasalanan
Mga kaibigan na kasama mo sa problema
Pero ito'y iyong makakaya
Dahil kayo ay sama sama
Mga kaibigan na kasama mong kumain
Ngunit mas marami pa yung tawa kesa nakaen
Mga kaibigan na kasama mong gumala
At ang inyong sasakyan ay kawawa
Mga kaibigan na kasama mo sa saya
Kapag kayo ay sama sama
Mga kaibigan na kung wala sila
Buhay ko'y walang sigla😊




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Advocacy: Think Before you click😉         When your posting on facebook make sure it is right                        Bashing on a facebo...